20080801

GaMeShOw

Gumising ako na tulad ng kahapon. Tulad nung isang araw, tulad ng mga nakaraang umagang hindi ko na mabilang. Isang umagang dahan dahang gumagapang, lumiliwanag at nagiging maghapong hindi mo na mapansin sa kadahilanang ito'y pare-pareho na lang na parang isa kang preso. Minsan hindi mo na alam kung anong araw iyon ng linggo. Siguro nga ganito ang buhay kung ika'y isang bilanggo ng sarili mong pag-iisip. Mahinahon akong bumangon at sinapo ang aking ulo ng dalawang kamay at nagsindi ng sigarilyo. Dahan dahan akong tumingala ng nakapikit at bumuga ng usok.. Laman ng utak ko.

Pagmulat ko, direkta akong nakatingin sa salamin na pinagdidikitan ng mga litrato ng mga kaibigan, kabanda at kabarkada. Sa gitna nito ay isang imahe ng pangako at pag-asa. Pag-asang hindi ko alam kung darating pa at pangakong nakabingit na yatang mapako..

Mahilo-hilo pa akong tiningnan ang aking telepono. May mangilan-ngilan ding mensahe mula sa ilang taong nakaalala pero alam kong yung iba, masipag lang talaga mag-send to many. Sabi dun sa isa:

"Your college friends know who you are.. But your high school friends know why."


Hindi ko alam sa iba, pero alam kong tama iyon.. At ang mga kaibigan ko ang patotoo. Mga kaibigang sinubok ng panahon at nilampasan ang mga dagok sa samahan. Kabilang sa kanila ay ang ilan ding kaibigan na bagama't malayo at di mo man makita ng ilang taon ay alam mong nariyan para sayo na hindi mag-aatubiling tumulong at makinig.


Hindi lahat ng kaibigan perpekto. Pero hindi rin lahat tarantado. Merong mga darating sayo para gaguhin ka lang, merong nandyan para tulungan ka, merong nandyan dahil nagkataon lang at meron ding nandyan dahil ginusto nila. Minsan me mga taong nakakalimutan ko ring pasalamatan. Sana sa entry kong to, mapasalamatan ko lahat ng mga taong nariyan para sa isang kaibigang tulad ko.. Dahil alam ko, hindi ako perpekto.

Minsan naligaw ako ng daan na tinatahak. Hindi ako naging malakas. Hinayaan kong magpadala sa agos ng kawalan ng pag-asa hanggang sa lahat na lang ng ginawa ko ay puro pagkakamali na sinundan ng isa pa at isa pa at isa pa hanggang sa ang lahat sa buhay ko ay kamuntik ng mawala. Pinakamasakit yung sabihan ka ng isa sa pinakamatalik mong kaibigan ng: "kaya ka nila nilalayuan dahil iba na daw ang trip mo.." Tila mula sa isang high, hinila ako ng mga salitang 'yon pabalik sa realidad. Pabalik sa tunay na mundong pinilit kong takasan.. Kung hindi mo nga naman mahabol sa mundong ito ang kaisa-sang kaligayahan na hinahanap mo, san ka pa nga ba maghahanap? Ako?.. Hinanap ko ito sa isang artipisyal na mundo. Isang mundong naririnig mo lang ang gusto mong marinig, nakikita mo lang ang nais mong makita. Isang makulay na mundong ilang oras lamang ay ibabalik ka sa kadiliman ng buhay mo.. What choice do you have? What makes the pain go away?

Bago ako nasadlak sa putik, ang uniporme ko ay puti. Sa loob ng apat na taon kong pagkapit sa bubog ng pag-ibig, me mga kaibigan akong pilit itong ginagamot. Mga kaibigang 'di man alam ang dahilan ng pakikipaglaban ko, ay nariyan naman kapag nakita nilang ako'y sugatan. Bagamat handa rin silang tumulong, gawa ng pagkakamali, ako ay napasuway. Hindi kami magkakasamang umakyat sa entablado, tinaggap ang diploma at inihagis ang cap sa ere. Ngunit sa kaunting panahon naming pagsasama-sama, sila ang mga naging sandigan ko sa isang lugar na malayo sa pamilya at mga kaibigang naiwan. Pinakita nila sa akin na minsan, hindi mo rin kailangan ang panahon para masubok ang mga kaibigan mo. Ang apat na taon rin pala ay sapat na..

Kanina gumising ako.. Pero hindi ito katulad ng kahapon. Sa pag-aagaw ng aking ulirat at pagka-himbing, ako ay nanaginip. Nasa loob ako ng isang studio. Isang gameshow. Tinanong ako ng host. Sabi niya: "Anong bagay ang may zipper at limang butones?" Hindi ko makuha ang kahulugan ng tanong niya. Sa sobrang tindi ng pag-isip ko sa isasagot, napamulat ako ng aking mata at doon ko nakita ang sarili ko sa loob ng aking kwarto. Tumingin ako sa damitan ko at napangiti. Doo'y naka-hanger ang limang puting uniporme na may zipper sa gilid, tatlong butones sa kanang balikat at dalawang pandekorasyon sa likod na alam kong kailanman ay hindi ko na gagamitin. Sabihin mo mang iba na ang uniporme ko ngayon kasama ang mga kaibigan kong iniwan ng apat na taon, alam kong sa puso ko, bilang estudyante, ay may limang butones pa rin at isang zipper sa tagiliran..

20080704

Gumising ::: Delara

Naglalaro ako sa dagat ng tawagin ako ng isang kapwa beach bum. "Oi may meeting daw ang mga locals![skim and surfboarding]" sabi ni Winston. Sabi ko, "Ano yan at andaming camera? 'Di ba kakagaling pa lang dito nila Catherine de Castro last week?"

Maya maya andiyan na ang drum set, mga ilaw at kung anu-ano pa. Akala ko nga me beach party nanaman. Me shoot pala ng Music Video ang Delara. Dating Mojofly. Sabi ko Oh my Gulay! It's Lougee on da haus! Nangyare tuloy rakrakan sa tabing dagat magdamag tas sa Surfshack naman kinaumagahan.

Saludo ako sa mga gumawa. Magaling si Direk, magaling ang banda at patay na patay ako ke Lougee. Maganda ang Bagasbas. Maganda?! Isa akong writer. At isa rin akong musikero. Yung ginawa ni direk sa video is something i WOULD do. Pero nagawa niya yun sa isang malupit na paraan na alam kong di ko kaya. Gaya ng sabi ko, sampu ng mga inuman, pag-ekstra sa video at sa puyat, napakasaya ng jammingan namin noon sa Bagasbas.

Proud ako sa tambayan naming 'to..

Enjoy!


20080703

FudsTrip sa Ulan

Kahapon, galing ako sa beach. Ilang ka-tropa rin ang dinaanan ko para isama ngunit nabigo akong makahanap. Mainit ang ulo ko no'n. Pinapalayas nanaman kasi ako sa bahay. Hinataw ko ang sasakyan..

Pagdating ko sa tabing dagat, walang ni isang ka-tropa ang nandon. Pumunta ako sa dulo malapit sa airport at noon di'y nagmuni-muni.


Do you want to go to the seaside? I'm not trying to say that everybody wants to go
I fell in love at the seaside
She handled her charm with time and slight of hand..

Mag-iisang oras rin akong nagpalamig ng ulo. At sa aking pag-iisa, maraming agam-agam ang bumalik, maraming problemang bumabagabag sa aking dibdib ang nalunasan at ang katahimikan ng dagat ay bumalot sa aking saloobin. Isang pakiramdam ng ganap na kapayapaan.

Maya-maya, tanaw ko na sa malayo ang ulan na paparating. Isang unos mula sa karagatan na alam kong pati brief ko mababasa nanaman. Noon di'y umalis ako at nagmadali papuntang school.


Dahil sa kalmado ako, hindi nakaapekto ang problema sa bahay sa pagpasok ko ng araw na yon. Natapos ko ang araw ng wala nang iba pang insidente.

Dahil bungi-bungi ang sked ko kinabukasan, naisipan kong mamirata (dibidi ser, dibidi mam) para me trip ako ng gabing 'yon. Kaso ang anak ng kalungkutan, bago pa man lang ako makarating sa musliman, ayan na ang ulan. Mabuti naglakad lang ako. Makakapagkubli sa luha ng mga ulap. Noon nanaman lang ako ulit nakapaglakad-lakad sa centro. Nakabilang ako sa mga taong nagmamadali, nakikisukob at naglalakad ng mabilis wag lang mabasa. Pero basang-basa na ako. At imbes na sumama ang pakiramdam, lalo pa nitong pinalamig ang ulo ko. Ewan ko kung bakit. Pero alam kong may isang hibla ng pagkatao ko ang nabasa at muling nadiligan.

After being a recluse for so long, i finally felt I still belong in a society..

Nagutom ako. At sa limang taon ko sa nursing, hindi ko na ininda kung me makuha man ako ditong hepa..

wHat tHe f*Ck aM i stiLL doiN' iN CoLLeGe?

"Noy.. Kapag tumigil ka, tatamarin ka nang mag-aral.", payo sa'kin ni bayaw habang naglalakad sa bagong wing ng Robinson na sabi naman ni Lourice e mukhang trinoma. (gotta love the t-shirt project!) ayun.

E sabi ko naman, "Kuya, excited na nga ako e."

"Sinasabi mo lang yan.."

Fast forward 4 months later..

"Ma'am.. Nagpalit daw po kayo ng schedule tsaka classroom. E ngayon ko lang nahanap..", palusot ko habang inaabot ang gusot-gusot na classcard na tatlong linggo nang inooven sa u-box ng motor ko. Tatlong meeting ko rin siya hinanap hanggang sa makasalubong ko sa third floor.

"Ikaw talaga de Leon. Kung kelan prelims na.. Hala maghabol ka na lang." sagot naman ng very accomodating kong C.I.

Ngumiti na lang ako ng isang ngiti ng pasasalamat na 'di maikubling napipilitan. Hindi nga 'ata ako pwedeng mag-artista. Dahan-dahan naman akong tumalikod sa magiting kong guro tapos ay sumandal sa railing. Napatingin ako sa tower ng eskwelahan na hanggang ngayon ay hindi alam ng mga mag-aaral kung anong silbi kundi akyatin ng mga estudyanteng gustong tumalon at maghanap ng eksena kapag me sabit sa eskwela. Napatingin ako sa langit. Napatingin ako sa mga estudyante sa baba habang tumatawid sa quadrangle at may kani-kaniyang pinagkakaabalahan. Napatingin ako sa paligid sa labas ng eskuwela.


Daet. Bayan ko..

Sa apat na taon kong pagkawala, sa apat na taon kong pakikipagsapalaran sa "universidad", ni sa hinagap hindi ko akalain na dito rin pala ako babagsak sa isang loteng pinagsisiksik ang mga building na malaki pa yung school ko nung elementary. Napadpad ako mula sa aircon na ampitheater papunta sa lugar na kung saan walang marunong gumamit ng acetate. Wow pare. In fairness, may powerpoint.

Hindi ako mapang-husga. Hindi rin ako maarte. Pero tama si Bayaw. Tinamad na nga ako.. Marahil ay sa disappointment sa facilities, sa student body na walang proper diction at sa mga professor na mali-mali ang grammar. Hindi ako mapang-husga. Okey lang sa'kin.

Asan na kaya sila Jani? Sila Nancy? Sila Julma? Asan na ang Sabang Boys? Ang Tropa-klips? Ang Futuro-girls? Ang West-side Boys at ang Dota-all stars?

Nanghinayang ako. Nanghihinayang ako dahil sa tanda ko'ng to, alam kong nasa huli ang pagsisisi, hindi pa ako naghanda. Nagbulakbol. Naghabol ng prof at nabigo.

Sa mga kaibigan at kaklase kong naiwan.. Salamat sa mga ngiti, pakisama, tawanan, tulong at luha na binigay ninyo sa akin simula ng magkakila-kilala tayo hanggang sa pag-voluntary exit ko sa eskwela ni sister.

Napagtanto ko. Kailangan ko nang makatapos. Hindi sa hiya na isa akong presidente ng eskwela o dahil napag-iwanan na ako ng mga kaibigan at ka-batch ko. Kailangan ko nang makatapos para sa mga pangarap ko. Hindi man malinaw ang bukas ko, at least me diploma akong isasampal sa hahadlang sa kaisa-isa kong hangad na lumigaya..

20080625

CD pLayEr at InjEctiOn

Minsan, dumarating tayo sa punto sa buhay natin na nakaupo ka, umay sa sigarilyo, ubos ang alak at walang makausap. Wala ni katext, nagtetext o kahit load dahil wala ka namang kapera pera. Ambabaduy ng palabas sa tv, sawa ka na sa mga babasahin at walang magandang pakinggan sa CD player mong paulit ulit na lang ng mga tinutugtog.

Nakakabato. Nakakarindi.

Ganito na talaga siguro ang buhay na pinasok ko. Yung mundong ginagalawan ko na sa una ginusto pero ngayon hindi matakas-takasan. Bakit kaya ang tao handang talikuran ang lahat maging ang matinong pamumuhay at pag-iisip maranasan lang yung kaligayahan na akala nila ay wala don sa buhay na iniwan nila? Nakakatawa pang isipin na matapos ang lahat ng iyon, saka sila matatauhan na walang naroroon kundi pagsisisi. Nasa huli raw yon, ika ng matatanda.

Paulit-ulit, paulit-ulit.

Minsan iisipin mo yung CD player. Hindi mo alam kung ikaw yung sirang plaka na paulit-ulit at paikot-ikot. Minsan iisipin mo yung CD player ang buhay mo na wala namang tigil sa kakapaikot sayo at yung taong may-ari ng cd player na wala rin atang magawa kundi patugtugin ka ng naaayon sa kagustuhan niya hanggang sa magasgas ka at wala ka nang pakinabang.

Musika.

Isa ito sa mga minahal ko sa buhay na hanggang ngayon hindi ko malaman kung mahal rin ako. Nahilig pero hindi niya kinahiligan. Ewan ko ba. Masakit na rin sa tenga yung paulit-ulit ang musika. Nagkanda bulilyaso yung mga pangarap ko sa buhay dahil sa pagkahilig ko sa kanya. Ang masakit sa loob e nung talikuran ko ang mga taong mahal ko sa buhay at mga nagmamahal sa akin hanggang sa lumingon ako at wala na sila.

Bisyo, pagpapabaya, kalungkutan.

Nung buhay pa yung nanay ko, pilit niya akong pinigilan sa gusto ko. "Itigil mo na yan. Ngayon lang yan. Pano ang kinabukasan mo e hindi ka naman magaling?" ang minsan sinabi niya. Ipinaliwanag niya sa akin ang ibig sabihin ng simbulo ng ENTERTAINMENT. Yun bang dalawang maskara. Yung isa raw na naka-ngiti, yun daw yung Game Face mo. Yun yung ihaharap mo sa tao. Yung umiiyak na maskara naman daw ang sumisimbulo sa buhay pag wala ka na sa stage. Sabi ko naman ini-enjoy ko lang ang kabataan ko.

Hindi ko inisip na mangyayari sa amin yon. Nagkasakit ang nanay ko. Malubha. Akala ko kaya nila tutal, may kaya naman sila.. at bata pa ako. Inatupag ko muna yung luho ko, bisyo at pagpapasarap sa buhay. Pati pag-aaral ko nakompurmiso.

Ineksyon.

Sa kabila ng kursong kinuha ko at sa sitwasyon ng buhay namin, binalewala ko ito. Andun ako sa ospital. Tuwing umaga. Nag-aalaga, nanggagamot, naghuhugas ng puwit ng ibang tao. Kailangan e. Estudyante. Andun ako sa Bar pag gabi. Nagpapasarap. Tumutugtog. Naghingalo ang nanay ko at sinubukan nila akong pauwiin. Prodigal son ako. Hanggang ngayon dala dala ko hanggang mamatay ako ang pagsisisi at sama ng loob sa sarili ko. Namatay ang nanay ko ng hindi ako nakita.

Nung minsang wala ako sa sarili ko, nakikita ko ang sarili ko. Nakaupo. Ubos ang alak. Gumawa nanaman ng illegal. Walang magandang patugtugin sa radyo. Nakakasawa e. Nakakabingi yung katahimikan. Alas-dos ng madaling-araw. Inisip ko kung anong sense nung scene na yon. Kaso wala e. Parang yung paulit ulit na pag-ikot nung cd sa player. Ba't di siya gumaya sa tape? Patawad inay. Napraning na ata talaga ako. Sa mga oras na yon isa na lang ang naglaro sa isip ko bago ako pumasok sa kwarto at matulog. Yung hanapin ang daan palabas dun sa trip ko. Pinatay ko tuloy yung radyo..

a gRaMMaTicaL cOnfRontatiOn

I took an English Proficiency Exam twice and passed both with a professional level grade. But if you ask me what the hell a noun, a verb and an adjective means, i'll honestly tell you I HAVE NO IDEA.

I was downloading some songs from the net then i saw some that was way misspelled. I was irritated by the way it was written because personally, i really REALLY hate seeing wrong spelling and hearing wrong grammars, especially from college professors.

Now i'm not a perfectionist. And i don't have an obsessive-compulsive disorder either. But college professors should think about how they talk to the class.

IN A LOGIC CLASS WITH A LAWYER FOR A PROFESSOR:

Running my ass out from the 4th floor stairs..

Professor: Where do you think you're going?! What time is it?
Me: Uh.. 9:16 sir?..
Professor: Well the school policy states that there would be no more admission for the duration of the class for students who are late for more than fifteen minutes!
You surely don't know that..don't you?

*toink!*

One new years eve, some drunk bitch was banging our house' gate. SHE was a working student priding herself to be a receptionist in some big time mining corporation. She insults me in the way certain people think how pathetic and stupid i am and is audaciously bragging about her intelligence quotient. Already making a commotion, she asks me a personal question that she had came for..
( P.S.- the bitch is not mine)

Wildly flailing around a large rock..

Bitch: Why the hell can't you answer a simple question?!?
Me: .................
Bitch: Speak up you stupid moron!
SILENT MEAN YES!!
Me:
(rolling on the floor laughing..)

20080116

miNsan..

Ang ganda ng papalubog na araw sa dapithapon ay naka-antig sa nanunuyo kong damdamin. Likha ng Diyos.. Tila ako'y muling naambunan ng pag-asa habang ang kanyang liwanag ay marahang dumadampi sa aking mukha. Makalipas ang walong taon, sa lahat ng aking napuntahan, sa lahat ng aking nagawa, sa lahat ng aking napagdaanan, ngayon ko lang muling nakita ang pamilyar na tanawing ito.

Ngunit marami nang nagbago.

Bumalik ang mga alaala..

Doypz2084 Nakita ko ang isang batang nasa bubungan ng kanilang bahay. Tahimik siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang langit at nangangarap.. Tulad ng lahat, nangangarap na magkaroon ng isang magandang bukas sa kanya at sa mga taong mahalaga sa kanya. Sa di kalayuan ay aliw na aliw niyang tinatanaw ang kanyang paaralang kinagisnan habang ang kanyang mga kaeskwela ay naglalaro matapos ang klase. Naroon din ang mga tindero ng kung anu-anong pagkain, laruan at iba pa at ang mga kapwa niya batang nag-uunahan sa pagpila. Madalas gagawin niya ito kapag ang kanyang mga kaklase ay nakauwi na o kaya habang tinatapos ang kanyang takdang-aralin. Kitang-kita rin niya ang kabuuan ng lugar na kinalakhan niya. Ang tambayan, mga bahay ng kaibigan, mga palaruan, mga ibon na lumilipad o ang mga pusang naghahabulan sa bubungan ng mga kapitbahay, ang mga asong namamahinga sa tabi ng kalsada, ang mga ulap na dahan dahang tumatawid sa makulay na kalangitan at ang mga punong magiliw na sumasabay sa pag-ihip ng hangin. Napamahal sa kanya ang paaralan at paligid na iyon. Isang perpektong larawang puno ng pag-asa at pangarap. Payapa, tahimik at walang dapat katakutan na para bang wala nang igaganda pa ang buhay.

Namuhay siya ng may saya. Ng may pagmamahal at pag-aaruga sa gintong kutsara na sa kanya ay isinusubo at sa malambot na kamang kanyang hinihigaan. Ng walang alinlangan. .Doypz2224

Ngunit ang pagsubok ay sadyang dumarating. Minsan mapagbiro talaga ang tadhana at ang kapalaran ang palaging nagdurusa. Isang pagsubok. Isang dagok na makapag-papabago sa kanya at sa lahat ng nakapaligid sa kanya.


"May cancer ang mama niyo.."

Ang kanyang buong pamilya ay lumaban hanggang sa puntong sila ay halos magwatak-watak. Ngunit sa huli ay matatalo rin ng sakit ang tao at nawalan ng saysay ang pagtitiis.


Siya man ay nabigo..

Nakalimutan ng munting bata ang kanyang mga pangarap at nagpa-anod sa agos ng damdamin. Nagpatalo siya sa problema at sa panghahamak ng kunsensya. Ang kanyang mga pagkukulang sa Diyos, sa pamilya, maging sa kanyang sarili. Nahimok siyang dalahin ng pangako ng mali at kasamaan upang makalimot hanggang sa nakalimutan niya ang kanyang sarili.

Ska_nati0n



Dumaan ang mga araw, ang mga buwan, ang mga taon na tila mga lumang alaala na lamang ng ibang buhay na nabaon na sa limot. Ang munting bata ay natuto, sa loob man ng silid aralan maging sa kalye kasama ng mga kawatan. Mga aral na mabuti at masama. Unti unti ay dumami ang kanyang kaalaman. Dumami ang kanyang kakayahan. At lumalim ang kanyang kamalayan hanggang sa siya ay tuluyang nilamon ng kanyang sariling mga pagnanais at nasadlak sa mundong kanyang piniling galawan.


Maging ang taong kanyang inasahang magmamahal sa kanya, tatanggap at kanyang ipinaglaban ng buong puso ay tila tinalikuran na rin siya.
1_230362483lKung ito man ay sa kanilang pagkakalayo, pagkukulang, pagkakamali o sadyang nawala nang talaga ang pag-ibig sa kanyang puso ay hindi niya malaman.

Kailanman ay hindi mananaig ang kasamaan. Siya'y tao lamang na mauubusan rin ng tatakbuhan, mauubusan din ng lakas ng loob, lakas ng loob na hinuhugot niya sa masamang pinanggagalingan at mahuhuli rin sa kanyang mga gawing mali at haharap sa panghuhusga ng Diyos at mga mata ng kanyang kapwa tao.

Palaging nasa huli ang pagsisisi.

Mabuti na lamang at nariyan ang kanlungan ng kanyang pinagmulan na bukas-palad na handang tanggapin siyang muli upang siya ay magbago..

Habang nakaupo at tahimik na pinagmamasdan ang tanawing matapos ang walong taon ay nariyan pa rin upang siya ay paalalahanan ng kanyang mga pangarap, mga pangarap na ngayo'y tila naudlot na gawa ng tao, pagkakamali at mga bagay na hindi natin ginusto,
ano pa ang silbi nito?

Bagama't ang langit at ang araw ay hindi magbabago, ang mga bagay sa paligid ay hindi maitatatwang nag-iba na nga. Ang kanyang dating munting paaralan na minamahal ngayo'y puno na ng mga matataas na gusaling hindi matapos-tapos, ang mga bahay ng kanyang mga kaibigan ay may nakatira nang iba, bago na o di kaya'y giba na, wala ang ang kanilang tambayan at mga palaruan at ang mga aso, ibon, pusa at mga puno sa paligid ay nag-iba na rin. Patunay na ang mundo, buhay at tao ay nagbabago sa ayaw man natin o sa hindi.
Doypz2223




Minsan mas mabuti pang bumalik sa pagkabata. Puno ng pag-asa at kung saan ang mundo ay walang takot, ang buhay ay walang alinlangan at sa sarili ay walang pagsisisi..

20070828

gUhit aT gRaMo


..nagsimula sa patikim-tikim..
Nung bata pa ako, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako iinom at maninigarilyo. Pangako yan. Peksman! Pero katulad ng karamihan ng mga pinangako, napapako.
Second year high school ako nung una akong malasing. Birthday ko noon. Hindi ko naman sana binalak pero nayaya ng barkada kaya ang kinalabasan, isang dosenang katorse anyos na binatilyo na may mga tama at may dalawang nagsusuntukan. Ewan ko kung pano nakarating yung dalawa sa loob ng school ng nag-aaway pero mabuti na lang at hindi nalaman ng mga teacher. Simula noon, naging madalas na ang pagbisyo ko. Naging isang beses isang linggo, dalawa, tatlo, hanggang sa naging araw-araw at buong araw.
Ewan ko kung anong pumasok noon sa utak ko. Basta ang alam ko, naging factor na rin ang mga dinanas ko bilang isang lampang bata. Nerd. Outcast. May alienation syndrome ata ako. Kasama na rin ang pinagdinaanan ko sa loob ng bahay. Naging rebelde ako noon.
If you can't beat them, join them
Dahil palagi akong napagtritripan nung bata pa ako, minabuti kong barkadahin yung mga nagtritrip sa akin. Kaso, dahil gago ako, sumobra. Ako yung lumabas na pinaka-malala. Sila, nanatili sa kung ano sila. Ako naman, kung saan-saan napadpad. Napansin na noon sa bahay ang mga ipinagbago ko at lalo akong laging napapagalitan. Kaya palagi rin akong naglalayas at kung saan saang gulo napupunta. Nalulong ako sa bisyo. Alak, sigarilyo, babae, sugal, rambol, maging droga. Nagsimula na rin akong mahilig sa pagbabanda. Halos hindi na ako pumapasok sa eskwela. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ako kinwentuhan ng mga kasambahay ko tungkol sa mga napabalitang gulo sa lugar namin na hindi nila alam na kasali ako roon.
The other side of me
Kapag nasa loob ako ng eskwela, ako yung nasa star section na palaging aktibo sa mga extra-curricular activities, contests at kung anu-ano pang pinapagawa nila. Ako yung president, yung ganito, yung ganyan. Ang hindi nila alam, unang hakbang ko sa labas ng gate, nakahanda na yung pangsindi, umiinom sa tapat mismo ng campus, nag-mamarijuana sa loob ng banyo. Nagpapameeting pa ako ng student council nang lasing.
Nanatili akong ganito. Namuhay ako ng naaayon sa kagustuhan ko ng wala pa sa edad. Hanggang sa nag-college ako na nakasanayan ko ang ganitong istilo.
Kolehiyo
Dapat sana sa manila ako mag-aaral. Gusto ko sanang maging kurso ko, siyempre yung hilig ko. Musika. Gusto ko sana mag-aral sa USTe. Conservatory of Music. Pero hindi lahat ng gusto natin nasusunod. Sa isang masklap na biro ng tadhana, nagkasakit ang nanay ko. Cancer. Walang lunas. Kahit gaano kadami ang pera mo. Milagro. Milagro lang ang tanging solusyon. Kaso yung milagrong yon, hindi dumating. Naghirap kami. Nagkawatak watak ang isang pamilyang dapat sana'y nagkakaisa sa mga ganitong pagsubok. Nawalan ako ng paniniwala sa Diyos. Nawalan ako ng tiwala sa pamilya ko. At lalong nawalan ako ng tiwala sa sarili ko.
Hindi ako natuloy sa pag-aaral sa Maynila. Napadpad ako sa Naga sa isang kursong kinuha ko nang trip trip lang. Hindi man kasing layo ng Maynila, siyudad din ito na mas maraming kahibangan ang pwede kong gawin at higit sa lahat, malayo sa pagkontrol ng pamilya. Nakalaya. Lalo akong napariwara.
Ngunit ganunpaman, hindi ako natanggal sa mahigpit na salaan kada sem ng eskwelahang pinapatakbo ng mga madre. Maraming nagtataka. Sabi ko stock knowledge. Hari ng lusutan. Nanatili akong ganito. Relax, late at mas madalas absent.
Namatay ang nanay ko sa bahay habang naka-duty ako sa ospital.
Pagkakita ko sa nanay ko, narinig ko sa loob ng ulo ko yung sinabi nung resource speaker namin sa isang seminar: "Habang buhay pa ang mga magulang ninyo, iparamdam ninyo kung gaano ninyo sila kamahal. Hindi yung hihingi kayo ng tawad sa kanila kung kailan patay na sila dahil kahit kailan, hindi na nila yun maririnig." Yung sinabi niyang yon, hindi ko nagawa. Kaya halos ganon na lamang ang hinanakit ko sa sarili ko at pagsisisi. Masama sa loob.
Sa mga sandaling yon, dun ako natauhan. Nagising.
Nangako ulit ako sa sarili ko na magbago. Na pulutin ang mga nawasak at hanapin ang mga nawalang parte ng buhay ko. Pulutin isa-isa at piliting mabuo ulit, gaano man karami ang lamat, gaano man kaimposible.
Nagkaroon ako ng panibagong motivation. Panibagong buhay. Panibagong pag-asa. Nagsipag uli ako sa pag-aaral ko. Itinigil ko ang pagbabanda. Lumayo muna ako sa barkada. Sa bisyo. Pinagtuunan ko ang eskwela at ang pamilya. Pero sa kasuluksulukan ng sarili ko, pakiramdam ko, may kulang.
Matapos ang lahat ng sakit, matapos ang mga naiwang malaking kawalan sa buhay ko ng mga taong minahal ko sa mga panahong iyon na nagsimula ako ulit sa wala, sariwa pa ang mga sugat na iniwan nila. Sa hiwa-hiwalay na pagkakataon, nawala sila sa akin. Si N******, si L******, si K**. Sila yung mga pinagkunan ko ng lakas sa mga panahong pinanghihinaan ako ng loob. Dahil dito, nagdesisyon ako na magmahal muli nung hindi ko inaasahang may dumating.
..sa isang marikit na alaala..
Nahulog ang loob ko sa isang babaeng noon ko lang din nakilala sa puntong nagrerekober ako sa mga sakit na pinagdaanan ko. Mga sakit sa puso na nakakatawang balikan ngunit napakahirap pagdaanan. Hindi ko alam kung bakit sa unang tingin pakiramdam ko hinintay ko siya samantalang wala siya sa category sa mga babaeng naging nakaraan ko. Oo maganda din siya, mabait, sexy o talented o anupaman. Iba kasi siya. Nanggaling siya sa Chinese na pamilya. Iba yung demeanor niya, yung dating, yung ere, yung appeal yung breeding o kung ano. Naiinggit ako sa kanya. Dahil lahat ng ginusto ko sa buhay, nasa kanya. Basta sa loob ng maiksing panahon na nakilala ko siya, minahal ko siya. Napasobra nga ata.
Naging ok kami. Sa simula. Naging magkaibigan kami, umamin ako at kung anu-ano. Maganda. Sa simula. Pero sa hindi ko malaman at maipaliwanag na pangyayari, pumangit ang relasyon. Sa napakaiksing panahon, nasanay akong mabuhay ng para sa kanya. Sa kanya na umikot ang mundo ko. Kaya nung magka-gap, nawalan nanaman ako ng direksyon, higit sa mga nangyari na noon. Masyado akong naobsess sa kanya.
Muling pagkakamali
Bumalik ako sa mundong pilit ko nang tinatakasan. Hindi lalo ako nagpapasok. Laging nasa kalsada kahit madaling araw. Nakatambay sa pinakamagugulong lugar. Ngunit parang nakakahinanakit na dito na ata talaga ako nakalaan. Kung babalikan, o kung iisipin mo, ang mga baguhan sa bisyo, kadalasan yung mga high school, excited. Naninibago, naamaze. Kuntento ka na sa ilang stick ng yosi. Sa isang bilog na pagsasalu-saluhan ninyong magkakabarkada, sa isang teabag na marijuana. User ka. Newbie. Tingi. Retail. Nakakatawang isipin na kayo-kayo na lang na pare-parehong mahina pa ang dosage sa alak, nagdadayaan. Ngayon iba na. Iba na ang arena ko. Ibang level ika nga. Mas delikado na ang mundo kapag pilit mo itong pinasok. Wala naman kasing magbabawal sayo dito. Walang bawal sa hindi alam ng pulis, ng mga magulang mo at ng mga tao. Hindi na pinagaawayan ang sigarilyo. Nagswaswapangan na sa alak. At hindi na teabag ang nilalarga. Guhit at gramo na ang usapan dito. Bloke ng damo na chine-chainsaw, bulto ng bato na tinitiktik. Wholesale. Minsan nga pag medyo bigatin pa, distributorship ang laban. Dito nagkakasanglaan ng gamit, dito nagpapatayan ang tao. Kulang na lang na kaluluwa ang isangla mo. Minsan nakikita ko na lang ang sarili ko dito na parang hindi ako iyon, na parang buhay ng ibang tao ang nakikita ko. Hindi ko na siya kilala.
Redemption
Nakakatakot. Nakakatakot para sa kinabukasan. Nakakapagod. Nakakapagod para sa natitira pa sa buhay mo. Nakakasawa na. Ayoko na. Pero sa anong paraan? Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Pero kung ikaw ang nakalugmok, iisipin mo rin na wala nang paraan. Hindi ganon kadali. Gaano mo man pilitin. Kahit sino pang tanungin mo.
Sana sa pagdaan ng mga araw, yung matagal ko nang hinihintay na milagro dumating na. Masarap magbago. Lalo na kung para sa ikabubuti.

SoLiTaiRe


It's the wee hours of saturday morning. 5 am. With last night's indie fest, thursday's flu and the week's medical-surgical mission, i'm all burnt-out. The other fella's just left for Legazpi and the other's are still asleep. Got some med's to take so might as well grab a bite.
The sun's about to get up so the apartment's smoke-filled living room cast a ghostly haze in the air. I smoke despite the killer coughing fits i keep on having. No choice. Can't play the radio yet. Too early.
Last night's gig just wasn't my night. The whole damn place is flooding with beer and i'm the only one who hasn't one. The f*cking flu got me in the worst possible time so i can't have my daily dose of booze. I got a bottled water for my misery and that's just it. Crap. I'm not used to not being under the influence.
So i sit there in the half-light, burning my lungs to death and doing nothing. I spot the playing cards in the table. What the heck? And so i played.
Solitaire. Solitary.
The words fit.
I played. It's frustrating that after a few deals i just can't beat it. a few expletives and more cigarettes charred, i still haven't won the damned game. It's starting to get on my nerves that i can't win the stupid card game so i stopped and dragged a long puff of marlboro. I blew in an exasperated way like i just had a weary run. Then, it entered my mind that i did.
I realized that all my life i was running. And i wasn't getting anywhere. In the game, i wasn't playing against anybody. I was playing against myself.. and luck.
Like the game, i was stuck when my cards run out and my aces are out of reach. Reality-wise it is the same. I'm stuck on the same spot and is not getting anywhere.
The problem with ourselves, we could only solve when we see it in the mirror the way we could only see the dirt under our nose. But with luck, it's another story. It's something beyond our control and the only thing we can do is keeping our fingers crossed.
Solitaire. Solitary.
I never knew it was a self-directed word..

UnReaLity: Confessions of a Nobody


My name is Nobody. And i'm walking in someone else's shoes, sleeping in someone else's room and living in someone else's life. I know it does sound stupid and hypocritical. It seems so unreal but the sad truth is in life, we sometimes find ourselves in a situation where we can, in some freak clairvoyant moment in time, picture our lives from another point of view like an astral projection or seeing yourself in the glass ceiling of some cheap motel.
We ask ourselves how we have gotten to this or what has happened to us and blame an unseen God that some even do a double take on his existence or get suicidal. Anyways, this piece has nothing to do with God, love and the like crap. Its simply life. The living and passing of it, taken from an insignificant speck in a big city.
Some times when i sit in my room(that's someone else's room), staring at the ceiling, i ponder how could i have come at this point in life where i simply doesn't feel myself. Like it REALLY isn't my life. Logically i'm just getting redundant but philosopically, that's the point of it all. Where i am. Living in circles where everything just doesn't have a sense.
It isn't like me. It doesn't even feel like me. I'm in the lowest point of my life, the lowest that i can be and maybe that's the reason why I'm babbling about this shit. Like i'm in the Dark Ages of my life's history.
I lost every sense of direction the day i lost "her". I lost my family the day we took separate lives when my mom died. I lost my mind when all hope has gone. Maybe it is indeed a sin. Finally i lost myself the day it all got into me.
The answer lies, i think is in time. Changes,-that's what is constant. Nothing lasts forever. It's all a cliche but just depressingly true. That in time all that we have is fated to be lost. That some day we would only all go to that big booze bar above or simply say end. Like what has happened to all that i have taken for granted to cherish the time i still has it.
Confessions.
And in confession there is penance. To despair is a sin. And though this effort at nothing helped a bit by getting all this out of my chest, everyone must pick the pieces of their lives and start anew. To keep on living and to steadfastly hope that one day, things get back the better way that it used to be no matter how futile it may seem..