"Noy.. Kapag tumigil ka, tatamarin ka nang mag-aral.", payo sa'kin ni bayaw habang naglalakad sa bagong wing ng Robinson na sabi naman ni Lourice e mukhang trinoma. (gotta love the t-shirt project!) ayun.
E sabi ko naman, "Kuya, excited na nga ako e."
"Sinasabi mo lang yan.."
Fast forward 4 months later..
"Ma'am.. Nagpalit daw po kayo ng schedule tsaka classroom. E ngayon ko lang nahanap..", palusot ko habang inaabot ang gusot-gusot na classcard na tatlong linggo nang inooven sa u-box ng motor ko. Tatlong meeting ko rin siya hinanap hanggang sa makasalubong ko sa third floor.
"Ikaw talaga de Leon. Kung kelan prelims na.. Hala maghabol ka na lang." sagot naman ng very accomodating kong C.I.
Ngumiti na lang ako ng isang ngiti ng pasasalamat na 'di maikubling napipilitan. Hindi nga 'ata ako pwedeng mag-artista. Dahan-dahan naman akong tumalikod sa magiting kong guro tapos ay sumandal sa railing. Napatingin ako sa tower ng eskwelahan na hanggang ngayon ay hindi alam ng mga mag-aaral kung anong silbi kundi akyatin ng mga estudyanteng gustong tumalon at maghanap ng eksena kapag me sabit sa eskwela. Napatingin ako sa langit. Napatingin ako sa mga estudyante sa baba habang tumatawid sa quadrangle at may kani-kaniyang pinagkakaabalahan. Napatingin ako sa paligid sa labas ng eskuwela.
Daet. Bayan ko..
Sa apat na taon kong pagkawala, sa apat na taon kong pakikipagsapalaran sa "universidad", ni sa hinagap hindi ko akalain na dito rin pala ako babagsak sa isang loteng pinagsisiksik ang mga building na malaki pa yung school ko nung elementary. Napadpad ako mula sa aircon na ampitheater papunta sa lugar na kung saan walang marunong gumamit ng acetate. Wow pare. In fairness, may powerpoint.
Hindi ako mapang-husga. Hindi rin ako maarte. Pero tama si Bayaw. Tinamad na nga ako.. Marahil ay sa disappointment sa facilities, sa student body na walang proper diction at sa mga professor na mali-mali ang grammar. Hindi ako mapang-husga. Okey lang sa'kin.
Asan na kaya sila Jani? Sila Nancy? Sila Julma? Asan na ang Sabang Boys? Ang Tropa-klips? Ang Futuro-girls? Ang West-side Boys at ang Dota-all stars?
Nanghinayang ako. Nanghihinayang ako dahil sa tanda ko'ng to, alam kong nasa huli ang pagsisisi, hindi pa ako naghanda. Nagbulakbol. Naghabol ng prof at nabigo.
Sa mga kaibigan at kaklase kong naiwan.. Salamat sa mga ngiti, pakisama, tawanan, tulong at luha na binigay ninyo sa akin simula ng magkakila-kilala tayo hanggang sa pag-voluntary exit ko sa eskwela ni sister.
Napagtanto ko. Kailangan ko nang makatapos. Hindi sa hiya na isa akong presidente ng eskwela o dahil napag-iwanan na ako ng mga kaibigan at ka-batch ko. Kailangan ko nang makatapos para sa mga pangarap ko. Hindi man malinaw ang bukas ko, at least me diploma akong isasampal sa hahadlang sa kaisa-isa kong hangad na lumigaya..
20080703
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Huli man daw .... hindi ko alam ang sunod na linya. hehehe. At least may na realize kang tama. Yan ang mahalaga.
Goodluck and congrats in advance.
BTW, napablilib mo ako. old post to but u take time to comment pa rin. thanks. I relaly appreciate it.
thanks bro
taemo pidoy!!
hindi ako nagsisising pinilit kitang iupdate ang dating ubed deadblog mo.
taemo taemo! ahahaha!
Post a Comment